Hinikayat ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mamamayan na magkakaisa upang maipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas.

Ginawa ni Teodoro ang panawagan sa bisperas ng paggunita ng ika-127 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa Disyembre 30.

Si Rizal aniya ay isang ay mapangarap at makabayan na ipinaglaban ang kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng salita at mga mithiin nito.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Aniya, naging inspirasyon ng mga Pinoy ang ipinamalas na lakas ng loob at sakripisyo ni Rizal upang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.

Binanggit din ni Teodoro na tungkulin at responsibilidad ng bawat Pinoy na itaguyod ang soberanya at karapatan ng mamamayan ng bansa, kasabay ng paghimok sa bawat isa na isadiwa ang alab ng pagmamahal sa bayan at itaguyod ang dangal at tapang ng Pilipino.