Inilunsad ng Food and Drug Administration (FDA) ang Task Force Alectryon upang mapigilan ang paglaganap ng bird flu sa bansa.

Ito ang pahayag ni FDA Director General Dr. Samuel Zacate nitong Huwebes at sinabing nakatuon ang task force sa pagsusuri ng mga applications para sa Avian Influenza (AI) drugs at bakuna na ligtas at mabisa upang hindi na kumalat ang virus sa avian population.

Nilinaw ng ahensya, wala pa silang natatanggap na application para sa Certification of Product Registration (CPR) ng Avian Influenza vaccine.

Dahil dito, hinikayat ng FDA ang veterinary pharmaceutical industry na magharap na ng applications, kalakip ang kumpletong requirements bilang pagsuporta sa pagsisikap ng gobyerno na makontrol ang Avian Flu infection.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Sa pag-aaral, lubhang nakahahawa ang nasabing sakit na nakaaapekto sa mga alaga at mababangis na hayop.

Matatandaang kinumpirma ng pamahalaan nitong 2017 ang unang epidemic o paglaganap ng bird flu o Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa bansa.