Nagkaroon na naman ng sunud-sunod na pagyanig ang Bulkang Bulusan at Taal sa nakalipas na pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Na-monitor ng Phivolcs ang walo at anim na pagyanig sa Bulusan Volcano at Taal nitong Miyerkules ng madaling araw hanggang Huwebes ng madaling araw.

Nasa 102 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulusan nitong Disyembre 1 at nitong Disyembre 25, nagpakawala naman ng 1,318 tonelada ng sulfur dioxide ang Taal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na huwag na munang lumapit o pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) 

ng Bulusan at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km extended DZ sa timog-silangan nito dahil sa nakaambang phreatic explosions.

Ipinagbabawal din ng ahensya ang pananatili sa 4-km. radius PDZ ng Taal dahil sa kahalintulad na dahilan.

Huling pumutok ang Bulusan noong Hunyo 5, 2022 kung saan aabot sa mahigit 3,200 ang apektado matapos balutin ng makapal na ashfall ang kanilang bahay.

Matatandaang naranasan naman ang matinding pag-aalburoto ng Taal noong Enero 29 at 30, 2022 matapos maitala ang siyam na phreatomagmatic bursts sa main crater nito.

Mahigit sa 1,100 residente sa paligid ng Taal ang inilikas dahil sa pag-aalburoto ng Taal.