Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga, Disyembre 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:35 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 17 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 34 kilometro.

Itinaas ang Intensity IV sa CITY OF GENERAL SANTOS at Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL, habang Intensity I sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR at CITY OF DAVAO.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V - Malungon, SARANGANI

Intensity IV - Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL; Alabel, SARANGANI; CITY OF GENERAL SANTOS

Intensity III - Malapatan, SARANGANI

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.