Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Biliran nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:17 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kawayan, Biliran, na may lalim na 12 kilometro.

Itinaas ang Intensity IV sa Kawayan at Almeria, BILIRAN.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Kawayan, BILIRAN; Calubian, LEYTE

Intensity III - Leyte and Ormoc City, LEYTE

Intensity I - Alangalang, Kananga, and Villaba, LEYTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.