Dream come true para kay “FPJ’s Batang Quiapo” star Ivana Alawi na makasama niya sa kaniyang vlog si “Kapuso Primetime Queen” Marian Rivera.

Sa unang bahagi ng vlog ni Ivana nitong Miyerkules, Disyembre 27, ipinahayag niya doon ang kabang naramdaman matapos niyang ipakilala si Marian sa kaniyang mga tagasubaybay.

“Hi, guys! Welcome back to our channel. For today’s video ay kasama po natin ang pinakamaganda at pinaka-idol ko, Miss Marian Rivera.” panimula ni Ivana.

“Oh, my gosh! Dream come true kanina pa ako kinakabahan,” sabi pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Oo nga. Ba’t ka ba kinakabahan kasi?” tanong naman ni Marian.

Sagot ni Ivana: “Ever since idol na idol kita. From ‘Marimar’ lahat ‘yan pinapanood ko araw-araw.”

Pero ang mapalad lang na nakatrabaho ni Marian ay si Mona. Kaya naman, naiinggit daw siya sa kaniyang kapatid.

“Ta’s kasama ako once. Nakapagpa-picture ako. Medyo bagets-bagets pa,” pagbabahagi pa ni Ivana.

Nang magsimula na ang question and answer portion sa nasabing vlog, halata pa rin ang kaba ni Ivana. Parang hindi kasi siya makagalaw nang maayos at hindi rin makakain.

Talagang hindi maitatanggi na malakas maka-star struck ang isang Marian Rivera!