Usap-usapan kamakailan ang Instagram post kamakailan ng kontrobersiyal na Kapuso actor na si Rob Gomez matapos niyang i-flex ang kaniyang sexy photo kung saan makikitang topless siya at nakababa nang bahagya ang kaniyang pantalon, kaya nasa-sightsung ang kaniyang puting briefs.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

View this post on Instagram

A post shared by Robert Michael Jason Jorge Ejercito (@robgomez.23)

Ginawa ito ni Rob sa kabila ng mga intrigang ipinupukol sa kaniya kaugnay ng umano'y leaked private conversations nila ng leading lady sa seryeng "Magandang Dilag" na si Herlene Budol at co-star nila ritong si Bianca Manalo.

Sa comment section ay pinutakti ng birada at pasaring si Rob mula sa netizens.

"Kuya rob, di ako galit about sa issue ha, now mag tatanong ako, totoo po ba?"

"Hindi ko naman masisi talaga may ipagmamalaki at ibubuga naman kasi."

"Kain kita"

"Dipa ba sila busog kakain?"

"unbothered king 😂"

"Mukbang"

"Kumain na poba kayo ni @herlene_budol"

"Carry On Rob! You'll never be this young again just do what makes you happy while you still can and Normal is boring orb! @robgomez.23"

"GAANO BA KALAKI YANG 🍆 MO ROB? AT BAKIT MISS NA KAININ NI @herlene_budol 😂"

Samantala, sa latest Instagram post ni Rob ngayong Lunes, Disyembre 25, araw ng Pasko, flinex niya ang mga larawan ng binyag ng anak na si Amelia.

Makikitang kasama niya rito ang partner na si Shaila Rebortera.

Bininyagan ang anak nila noong Disyembre 17, 2023.

"i love you 3000. Thank you God for this day," caption ni Rob.

Makikitang sarado ang comment section ng IG post.

Hindi pa niya kinukumpirma, dine-deny, o binibigyang-linaw ang tungkol sa mga kumalat na private convos umano nila nina Herlene at Bianca; bagkus, naglabas siya ng statement na wala sa kaniya ang telepono niya nang mga sandaling maganap ang pag-viral ng screenshots.

MAKI-BALITA: Rob Gomez may simpleng pahayag sa isyu ng leaked convos