Nakapagtala na ang Bureau of Immigration (BI) ng halos 60,000 biyaherong dumating sa bansa ilang araw bago pumasok ang Bagong Taon.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, umabot sa 51,390 arrivals ang naitala nila sa lahat ng international airport nitong Disyembre 1.
Nadagdagan pa ito at umabot hanggang 59,541 nitong Disyembre 22.
Nasa 85 porsyento aniya ng dumating na biyahero ay dumaan sa Ninoy Aquino International Airport.
National
Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies
Naitala rin ng ahensya ang aabot sa 31,408 na umalis sa bansa nitong Disyembre 23, mas mataas kumpara sa 25,759 nitong Disyembre 1.
Nanawagan din ang opisyal sa mga Pinoy na gumamit ng e-gates para sa mabilis na immigration clearance at magpatala na rin sa etravel portal.gov.ph 72 oras bago ang kanilang pagdating o pag-alis sa bansa. “All hands on deck for our immigration officers. We commend our frontline personnel who remain on duty and sacrifice time with their families during the holidays to be able to service the traveling public,” dagdag pa ng opisyal.