Labing-anim pa ang naitalang fireworks-related injuries sa bansa, anim na araw bago ipagdiwang ang Bagong Taon o pagpasok ng 2024.

Sa datos ng Department of Health (DOH), 28 na ang kabuuang kaso ng nasabugan ng paputok sa Pilipinas hanggang nitong Disyembre 25 ng umaga.

Kabilang sa mga bagong kaso ang isang nasabugan sa mata matapos panoorin ang mga nagpapaputok ng rebentador sa kanilang lugar.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

“About 94 percent took place at home or in the street. Many, 31 percent, happened in the National Capital Region,” anang DOH.

Mula anim hanggang 35 taong gulang ang mga ito, kabilang ang isang babae.

“Fireworks use both at or near the home and even at designated areas can still harm even those not lighting them. It is better for professionals at community fireworks displays to do the show, with watchers far away at a safe distance," panawagan pa ng DOH. 

PNA