Lumalayo nga ba sa intriga at ayaw mausisa ng aktor na si Xian Lim tungkol sa hiwalayan nila ni Kim Chiu?

Kinumpirma na kasi nina Xian at Kim na totoong hiwalay na silang dalawa nitong Sabado, Disyembre 23.

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Mababasa ang kanilang break up message sa isa’t isa sa pamamagitan ng Instagram post. Pero hindi gaya ng kay Kim, nakasarado ang comment section ng Instagram post ni Xian. 

Wala tuloy mababasang kahit anong komento sa post ni Xian mula sa mga netizen. Hindi rin nakapagpaabot ng pakikisimpatya ang kaniyang mga kapuwa celebrity sa kaniya.

Palatandaan ba ito na umiiwas siya sa intriga at ayaw mausisa? O baka naman gusto niya lang ng inner peace?

Samantala, bagama’t nakasarado ang comment section ng mga latest post ni Xian sa Instagram, sa kaniyang Facebook account siya dinumog ng mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon matapos ang hiwalayan:

“Binuhat ka lang ni kim, sa totoo lang wala ka naman talagang napatunayan. Saksakan ka pa ng yabang. Hahhahahahahhaha”

“User simula pa lang. Dakilang user of the decade.”

“Mayabang!”

“Kapal ng face!!”

“Hindi mo na magagamit si Kim Kasi Wala ka na sa channel 2 kaya iniwan mo na sa ere. Good luck na Lang sa career mo. Mayabang ka pa Naman Ewan na lang kung san ka pupulutin 🙉”

“Eversince I don't like you for Kim. My intuition is right.”

“Mayabang sa personal as in. Kala ko apaka bait, yun pala pag nasa harap lang ng camera.”

“May chance na yung KimPau! Magkalevel at mga kalidad na artista. Kahit nakainis si Julianna may chemistry talaga sila.”

“Hindi nmn to sisikat kundi dhil Kay Kim…”

Photo courtesy: Xian Kim (FB)

Photo courtesy: Xian Lim (FB)

Photo courtesy: Xian Lim (FB)

Ano’t anoman, sana’y makamtan ng dalawang panig ang paghilom para sa isa’t isa. Hindi naman kasi talaga biro ang 12 years relationship na sa isang iglap ay matatapos lang.  

Matatandaaang Nobyembre pa lang ay nakakahalata na ang mga tao na hindi okay ang relasyon ni Kim kay Xian. 

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Lalong lumakas ang hinala nila na wala na talaga ang dalawa noong burahin ni Xian ang mga video na kasama si Kim sa kaniyang YouTube account.

MAKI-BALITA: Xian Lim, binura daw vlogs, videos na kasama si Kim Chiu

Bagama’t nagbigay na sila noon pa man ng pahayag tungkol sa mga isyung umaaligid sa kanila, hindi naman nila direktang nasagot kung ano nga ba ang real score sa pagitan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya

MAKI-BALITA: Kim, muling nagsalita sa ‘hiwalayan issue’ nila ni Xian