Tila marami sa mga netizen ang sumang-ayon sa naging sagot ni "Firefly" lead star Alessandra De Rossi matapos niyang sagutin si Boy Abunda kung ano ang wish niya sa buhay niya.

Guest si Alex sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan para sa promotion ng kaniyang pelikulang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

"If you were to make a wish, ano 'yon at bakit?" tanong ni Boy.

Walang patumanggang "pera" ang isinagot ni Alessandra.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

"At this point, pera. Gusto ko ng maraming pera."

"Dati ayaw ko 'yon eh. Pero ngayon... kailangan mo ng maraming pera para magawa mo ang mga gusto mo, para puwede ka na lang tumambay-tambay..."

Tila sang-ayon naman si Boy sa mga sinabi ni Alex gayundin ang madlang netizens.

"Agree, Alex!"

"Sabi nga, money can't buy happiness pero sorry, I beg to disagree. May mga bagay na nakapagpapasaya sa atin na magagawa natin kapag may pera."

"This is a practical answer. I love it!"

"Kami rin Alex, need namin maraming pera hahaha."

"Sa hirap ng buhay ngayon, mahal ang mga bilihin, yes naman haha."

"Absolutely, money isn't everything, but it does provide a sense of security and comfort. It can fulfill basic needs, provide opportunities, and contribute to happiness by offering stability and the ability to care for loved ones."

"Tama naman... hindi pagiging materialistic ang sagot niya. Napaka-practical and tama naman.