Totoo nga bang magsasama sa isang proyekto sina Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kathryn Bernardo?

Sa latest episode ng Marites University nitong Biyernes, Disyembre 22, nabanggit ng host na si Ambet Nabus ang tungkol dito.

“Kasi nga ‘di ba noong pasasalamat [ABS-CBN Christmas Special 2023] ng Kapamilya na naganap sa Araneta, ang saya-saya nila,” kuwento ni Ambet.

“Si Kathryn pa mismo ang lumapit diyan sa dalawang ‘yan [Francine at Seth],” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dagdag pa niya: “Tapos sabi nila [fans], ‘Uy, baka gusto n’yo nang ituloy ‘yung pinag-uusapan dati pang project’. Kaya isa daw po ‘yan sa dapat nating abangan, Kathryn Bernardo at malamang makasama nga niya itong si Francine Diaz at Seth Fedelin,” aniya.

Pero bago isara ang tsika tungkol sa upcoming project ng tatlo, may makahulugang sinabi si Ambet tungkol sa pagkakaroon ng “something in common” ng FranSeth at ni Kathryn bagama’t hindi na siya nagbigay pa ng ilang detalye.

Samantala, matatandaang matapos makumpirma ang hiwalayang KathNiel, matatandaang umugong ang panawagan na pagtambalin sina Kathryn at Seth.

MAKI-BALITA; KaSeth o SeKath? Kathryn Bernardo at Seth Fedelin pinu-push pagtambalin