“There has been no significant increase in the number or severity of cases overall,” anang ahensya.
Paglilinaw ng ahensya, walang ebidensyang mabilis ang pagkalat ng JN.1 sa Pilipinas.
Nauna nang na-classify ng World Health Organization (WHO) ang JN.1 bilang "currently circulating variant of interest" at bahagi ng parent lineage nito na BA2.86.
Sinabi rin ng DOH na kailangang bantayan ang JN.1 at pag-aralan pa ng mga epidemiologist at researcher sa buong mundo.
Panawagan pa rin ng ahensya sa publiko, dapat ring magsuot ng face mask, takpan ang bibig sakaling umubo at magpabakuna na rin bilang proteksyon sa sakit.