To the rescue ang Kapamilya actor na si Seth Fedelin sa ka-love team niyang si Francine Diaz na nadadawit daw sa isyu.

Sa X post ni Seth nitong Biyernes, Disyembre 22, nakiusap siya na huwag daw idamay si Francine sa kung ano-anong isyu.

“Malaking PAKIUSAP po sainyo wag nyo na po idamay si chin [Francine] unang una WALA syang kinalaman sa ibinabato nyo po sa kanya sya po ang NADAMAY,” pahayag ni Seth.

Dagdag pa niya: “Kung anong samahan na meron kami ni chin at pamilya nya eh dahil sa pinagtibay kami ng mga kaganapan. Ako nalang wag si chin at pamiya nya🙏”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Walang binanggit si Seth kung saang partikular na isyu kasalukuyang nadadawit si Francine. 

Pero kung pagbabatayan ang ilang komento ng mga netizen, tila may kinalaman ito sa dating isyu kay Andrea Brillantes:

“Paki usap din namin sayo sa inyong dalawa kausapin Nyo yung fans Nyo kasi sila yung unang gumagawa nag mga Kalat mga fake news ayaw nag KD ng gulo nanahimik kami Simula nung una pa kasi ayaw namin maging toxic lubayan na Sana kami ng mga fans Nyo Yun lang salamat🙏🧡”

https://twitter.com/imsethfedelin/status/1738112490394046477

“Hayyyy nanggigigil ako sayo @imsethfedelin bakit Hindi fans niyo ang pagsabihan mo ang mismong nagsasali kay Francine sa bawat issue kay BLYTHE lagi nakikisawsaw kahit wala namang kinalaman sa Inyo at Kung ano ano pa ang MGA masasakit na salita binibitaw kay BLYTHE.”

“Alam namin wala kasalanan si chin yung @iamandrea_b makati talaga hindi umamin sa kakatihan niya. Buti nga na kalma rin sya sa mga ka dramhan nya Noon bumalik din sa kanya”

“@imsethfedelin tuldukan mo na itong issue na ito , ikaw mismo mglbas ng resibo kung totoo total wala nman na din mawawala kay blythe dahil nahusgahan na sya ng lhat ...ilabas mo na lhat ng pwde nyong ibato sakanya para matpos na ito at hayaan nyo syang magbagong buhay sa 2024”

Matatandaan kasing bago pa man magkaroon ng “FranSeth” ay nauna munang ipanganak ang tambalang “SethDrea”.

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes at Francine Diaz, nag-unfollow sa isa’t isa dahil kay Seth Fedelin?

MAKI-BALITA: Kaloka! Andrea, sinugod nga ba si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

At kamakailan lang ay may lumabas na ulat na tila alam umano ni Seth ang tungkol sa one-time fling ni Andrea kay Kapamilya star Daniel Padilla na naging dahilan para tuluyang mabuwag ang “SethDrea”.

MAKI-BALITA: Seth hiniwalayan si Andrea dahil nalaman ‘one-time fling’ nito kay Daniel?