Totoo nga ba ang tsikang nagkabalikan na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez?

Sa latest episode ng Marites University nitong Biyernes, Disyembre 22, iniulat ni showbiz insider Rose Garcia ang nabalitaan niya tungkol dito.

“Totoong nagkaroon ng pagkakahiwalay for a while. Siguro nga cool off. Pero mula sa isang napakabonggang source, talagang nagkabalikan,” saad ni Rose.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Nakita sila recently lang na magkasama. Ayaw kong sabihin kung saan kasi magagalit ‘tong source ko sabihin iminarites ko na naman,” natatawang sabi niya, “pero sila pa rin.”

Dagdag pa ng showbiz insider, mukhang nagkaayos ang dalawa at nagkausap.

Bago pa man ito ay naiulat na sa Marites University na tila sumasakay lang umano si Paulo sa promo ng kaniyang mga proyekto pero si Janine pa rin ang nasa puso.

MAKI-BALITA: Paulo, sumasakay lang sa promo; si Janine pa rin nasa puso

Nakitaan kasi ng chemistry sina Paulo at ang aktres na si Kim Chiu simula noong gumanap sila sa Prime video na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng isa pang proyekto sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

Dahil dito, umugong tuloy ang bali-balita na hiwalay na raw sina Janine at Paulo kahit wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

Pero inamin ni Janine sa isang panayam na may espesyal na ugnayan daw na namamagitan sa kanila ni Paulo.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino

Sa katunayan, nanligaw pa umano sa kaniya ang aktor.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon?