Nag-react si "Miss Q&A Season 1" ng It's Showtime Juliana Parizcova Segovia sa kumakalat na quote card tungkol sa kaniya at kay Kapuso actor Rob Gomez, na naiintriga ngayon dahil sa leaked private conversations umano kina Herlene Budol at Bianca Manalo, na pawang nakasama niya sa defunct GMA afternoon series na "Magandang Dilag."

Sa naturang quote card, sinabi raw ni Juliana na niligawan siya ni Rob.

Si Rob daw kasi ay mahilig sa "beauty queens" at dahil beauty queen daw siya matapos ngang manalo sa defunct segment ng "It's Showtime," ay pinagtangkaan daw siyang ligawan ng aktor.

Pero agad daw niyang binasted ito. Binlock din sa Messenger at Instagram dahil sa pangungulit.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Matagal ko nang alam na bet niya ang mga beauty queens. Niligawan niya ako pero binasted ko kaagad."

"I blocked him sa Messenger and IG kasi napakakulit."

"I know better and di ako pang playtime lang," mababasa sa nabanggit na quote card.

In fairness sa nag-edit, effort na effort dahil maganda ito at kagayang-kagaya sa inilalabas na quote cards o pubmats ng mga media outlet online. Isa pa, may logo rin ito ng entertainment site na Philippine Entertainment Portal o PEP.

Subalit isa itong fake news at itinanggi na ng PEP na sila ang gumawa nito, sa isang opisyal na pahayag.

"A quote card with the PEP.ph logo and purported Juliana Parizcova's interview snippets is going around on social media. FYI, PEP.ph DID NOT officially release or put out this content on any art card," anila.

Ngunit tila game naman si Juliana rito at shinare pa sa kaniyang Facebook account, na mula naman sa direktor na si Darryl Yap.

"KAIN AKO," aniya sa caption.

MAKI-BALITA: Juliana dinawit kay Rob: ‘Niligawan niya ‘ko pero binasted ko kaagad!’

Bukod dito, mukhang may hirit din siya tungkol sa "hipon."

"Kung di lang mataas BP ko, KAIN AKO HIPON🥺."

"KAIN KA SAKIN!," aniya sa isang larawan ng putahe ng hipon.