Nakiusap daw ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa kapatid niyang si Richard Gutierrez na huwag ituloy ang demanda laban sa asawa nitong si Sarah Lahbati.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Huwebes, Disyembre 21, tinalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol dito. 

Ayon kay Romel, ang mga pamangkin daw ni Ruffa kay Richard ang dahilan kung bakit nito pinakiusapan ang kapatid na huwag kasuhan si Sarah.

“Ang sabi niya [Ruffa], naglalakihan na ang iyong mga anak. Pangit ‘yan kapag lumabas ‘yan sa social media at makikita nila ang mga kadahilanan kung bakit kayo naghiwalay,” ani Romel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

“Matataninm ‘yan sa mga utak ng mga bata. Magiging traumatic ‘yan sa mg bata,” dagdag pa niya.

Dahil dito, pinuri ni Cristy ang ginawang ito ni Ruffa para sa kaniyang mga pamangkin.

“Napakaganda ‘no. Na sa kabila ng mga nagaganap kampihan syempre ang magkakadugo pero inisip pa rin ni Ruffa ‘yung kapakanan ng kaniyang mga pamangkin, ‘di ba. Ang ganda-ganda naman no’n,” sabi niya.

Patunay daw ito na talagang maganda ang pagpapalaki ng mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa kanilang mga anak. 

Bagama’t hindi binanggit kung ano ang isasampang kaso ni Richard kay Sarah, matatandaang iniulat kamakailan sa isang vlog ni Cristy ang tungkol sa pagpunta umano ni Annabelle sa PDEA.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama nagsadya sa PDEA; sinong isinumbong?