Ipinakita ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng "ice giant" planet na Uranus na nakuhanan umano ng James Webb Space Telescope.

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na ang Uranus ay isang dynamic world na may “rings, moons, storms, extreme seasons, and more.”

“Webb’s sensitivity has even captured the close-in Zeta ring: faint, diffuse, and elusive,” anang NASA sa nasabing post.

Ayon sa NASA, kung gusto ng mga tao na magpadala ng spacecraft upang bisitahin ang Uranus nang malapitan, kailangan daw maunawaan kung paano mag-navigate sa mga debris mula sa mga singsing ng planeta.

Imahen ng ‘Enceladus’ sa ibaba ng singsing ng Saturn, napitikan ng NASA

“Because of the planet’s extreme 98 degree tilt, its seasons are extreme. For a quarter of its year, the Sun shines on one pole, which means half the planet experiences a dark, 21-Earth year winter,” paliwanag ng NASA.

“Context is king! Uranus is a good proxy for many of the types of far-off exoplanets being discovered. Learning more about Uranus may help us understand more about planets of this size in general, including their meteorology, and how they formed,” dagdag pa nito.

Kamakailan lamang, nagbahagi ang NASA ng larawan ng buwan ng planetang Saturn na “Enceladus.”