Nanumpa na sa kanyang tungkulin ang itinalagang acting general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) na si Eric Ines.

Mismong si Executive Secretary Lucas Bersamin ang nagpanumpa kay Ines sa Malacañang nitong Biyernes.

Nitong Huwebes, inihayag ng Malacañang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang naturang airport operations expert.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Pinalitan ni Ines si dating MIAA chief Cesar Chiong.

Dating miyembro ng Board of Directors ng MIAA si Ines at nagsilbi rin bilang airport station manager ng Etihad Airways at Gulf Air noong Marso 1, 2006 hanggang Disyembre 31, 2017 at mula Hulyo 1, 1997 hanggang Pebrero 28, 2006, ayon sa pagkakasunod.

Naging senior security officer din si Ines ng Gulf Air sa Pilipinas at sa Southeast Asia noong Enero 1, 1988 hanggang Hunyo 30, 1997.

Si Ines ay nagtapos ng Bachelor of Arts sa University of the Philippines (UP).

Bilang attached agency ng Department of Transportation (DOTr), mandato ng MIAA na mapaganda at magbigay ng ligtas at mapagkatiwalaan na airport facilities para sa international at domestic air travel.