Kasado na ang face-to-face oathtaking para sa mga bagong nurse ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Disyembre 22.

Ayon sa PRC, magaganap ang in-person oathtaking para sa mga bagong nurse sa Enero 13, 2024, dakong 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi sa Plenary Hall, Philippine International Convention Center, Vicente Sotto St., Pasay City.

“All successful examinees interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register no later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.

“Inductees are required to PRINT the Oath Form with their own generated QR. This will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Inabisuhan din ng komisyon ang inductees na kumpirmahin ang kanilang attendance sa mga rehiyon kung saan nila kinuha ang kanilang licensure examination at nais na magparehistro bilang mga propesyunal.

Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking.

Iaanunsyo umano ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” anang PRC.

“For more information on the oathtaking, please text or viber the organizers at 0945-307-9940, Mondays to Fridays, from 9:00 A.M. to 4:00 P.M. or proceed to 3rd Floor Don Lorenzo Building, 889 P. Paredes Street, Sampaloc, Manila,” saad pa nito.