Sa kabila ng mga isyu, mistulang “unbothered queen” ang aktres na si Bianca Manalo dahil kasalukuyan itong nag-eenjoy sa Tokyo, Japan.

Ibinahagi ni Bianca sa kaniyang Instagram story ang ilang pictures niya habang nasa Japan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang nagulantang ang mga netizen nang mabasa ang screenshots ng umano’y conversation ni Rob Gomez sa mga naging co-stars sa nagtapos na “Magandang Dilag” serye, na sina Herlene Budol, Bianca Manalo, at Pearl Gonzales.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

Naloka ang mga netizen dahil pati ang conversation daw ni Rob kay Bianca ay kasama sa naka-post na “resibo” sa IG; at tila raw palihim na nagkikita ang dalawa.

Alam ng lahat na may pare-parehong karelasyon na ang dalawa.

Misis ni Rob si Shaila Rebortera at may anak na sila, at si Bianca naman, jowa si Sen. Win Gatchalian—na kasalukuyan ding dinudumog ng netizens dahil sa isyu.

MAKI-BALITA:  Sen. Win Gatchalian, dinumog ng netizens dahil sa isyu ng jowa niyang si Bianca Manalo

Batay sa kumakalat na screenshots ay nag-chat daw si Bianca kay Rob kung puwede raw itong makipagkita sa kaniya ng 7am. Nasa Makati area daw siya at kasama ang mga aso. Kung puwede raw ito, babalik daw kaagad siya sa BGC o Bonifacio Global City.

“He’s not here. He’s in Valenzuela,” saad pa raw ni Bianca, na tinutukoy umano ang kasintahang senador. Bago maging senador ito ay naging mayor muna ito ng Valenzuela.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang aktres sa naturang isyu.