Pinagsilbihan ni Diamond Star Maricel Soriano ang Kapamilya actress na si Kim Chiu bilang yaya nito.

Tampok ng latest vlog ni Maricel ang pagiging “yaya for a day” kay Kim.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Mapapanood sa naturang vlog ang pagsama at pag-alalay ni Maricel sa young actress habang nagtatrabaho ito bilang host sa It’s Showtime.

Nag-good vibes naman ang mga netizen base sa kanilang mga comment sa comment section ng vlog.

"Nakangiti ako sa buong video. Sana magkaroon nang more teleserye o movie si Inang Maricel at Kimmy."

"I enjoy watching this. Wala pa ring kupas si Madam Maricel Soriano, Comedy man or Drama. Queen talaga!!! And I love Kim Chu as well. I hope she will find a partner she trully deserve soon"

"miss na namin yung mga comedy show at movie ng nag.iisang maricel soriano. number1 walang kupas"

"Nakakatuwa yung instant plot ni meme. Gagaling nila haha. Sana magkaroon ng comedy-drama movie project si kim at mam maricel. Or Mano Po 8 with Maricel, Kris and Kim naman. Idol ko po kayo both!"

"The best ka talaga inay Marya.. kahit diamond star ka na Napa ka down to earth mo… kung tutuusin mo ang dami mo ng achievements and yet very humble pa Rin… I love you inay"

Matatandaang nagkasama sa katatapos lang na seryeng “Linlang” sina Maricel at Kim.