"Ano po ang dahilan kung bakit nagsadya si Ms. Annabelle Rama sa opisina po ng PDEA?"

Iyan agad ang bungad na tanong ni Cristy Fermin sa isang episode ng "Showbiz Now Na" kung saan tinalakay nilang tatlo ng co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na matagal nang usap-usapan subalit hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa.

Ngunit ayon kay Cristy, pinaninindigan nilang tatlo na talagang hiwalay na, as in matagal nang hiwalay ang mag-asawa.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati nagkakasakitan?

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa katunayan, makahulugan ang mga pahayag na binitiwan ni Bisaya sa isang panayam patungkol sa relasyon ng anak at manugang.

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Marami raw tsika at bersiyon kung ano nga ba ang dahilan at puno't dulo ng hiwalayan, kung sino nga ba ang may kasalanan sa kanilang dalawa.

Bakit daw ba nauwi sa hiwalayan ang 12 taon nilang pagsasama.

"Ano po ang dahilan kung bakit nagsadya si Ms. Annabelle Rama sa opisina po ng PDEA? Kapag sinabi po nating PDEA, wala na tayong ibang iniisip pa kundi usapin ng droga," ani Cristy.

"Hindi ba't lahat ng tungkol sa droga, PDEA ang umaaksiyon," sundot pa ni Cristy.

Ang PDEA ay Philippine Drug Enforcement Agency na isang anti-drug law enforcement government agency, na responsable sa pagpigil, pagsugpo, at pagsawata sa paggamit ng dangerous drugs sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Cristy, ayon daw sa kaniyang source, nagpunta raw sa tanggapan si Annabelle para magsumite ng listahan ng ilang pangalan na dapat tugaygayan o bantayan ng mga ahente ng ahensiya.

Hindi na raw nagsasalita si Annabelle patungkol sa isyu dahil pinigilan daw siya ng kaniyang abogado.

Bukod dito, pinatunayan ni Cristy na para sa kaniya, si Richard daw ang pinakamabait sa lahat ng mga anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, kahit na noong mga panahong may gap pa sila ni Annabelle na humantong pa nga sa kasuhan ng libelo.

MAKI-BALITA: Richard, pinakamabait sa lahat ng Gutierrez pero masamang malasing

Pero sa isang Facebook post, biglang bumaligtad ang mundo matapos pasalamatan ni Annabelle si Cristy dahil sa pagtatanggol kay Richard, sa mga nang-ookray na "bondying" at "mama's boy" ito.

MAKI-BALITA: Pumalag na ‘bondying’ si Richard; Annabelle, lambot-puso kay Cristy