Nakakaloka ang kumakalat na edited photos nina Andrea Brillantes, Herlene Budol, Daniel Padilla, at Rob Gomez kung saan makikita ang tila "pasahan ng korona at sash" na kagaya ng beauty pageants.

Pero hindi beaucon ito kundi dahil sa pagiging "most controversial showbiz personalities of the moment" dahil mula sa pinag-uusapang KathNiel break-up, nalipat kaagad ang atensyon ng publiko sa kumalat na screenshots ng "eskandalosong" pribadong kumbersasyon nina Rob Gomez at Herlene Budol, na nagkasama sa seryeng "Magandang Dilag."

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

"After reigning for 21 days, Andrea Brillantes passes her crown today December 20 to Herlene Budol. Congratulations queen keep disappointing us," ayon sa caption.

Sa isa pang viral edited photo ay makikita naman ang pagpapasa ni Daniel Padilla ng sash ng award kay Rob Gomez.

"Meanwhile, Daniel Padilla crowned his successor Rob Gomez as Mister Ch*ater International for the month of December," saad sa caption.

Photo courtesy: Screenshot from 4K (FB)/Jirakit Rattanapong (X)

Matatandaang sa pagpasok ng Disyembre ay talagang tumodo ang ingay sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos nila itong kumpirmahin.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: Andrea diretsahang umamin kay Kathryn tungkol sa kanila ni Daniel

Nitong Disyembre 20 naman ay pumutok na nga ang tungkol sa leaked conversations umano nina Rob at Herlene, at kasama pa ang mensahe ng co-star nilang si Bianca Manalo.

Agad namang pumalag sa isyu si Herlene sa pamamagitan ng X post.

Sa kaniyang Facebook post naman ay sinabi ni Rob na hindi niya hawak ang cellphone niya, kung kaya pinagpapalagay na ibang tao ang nag-post ng mga screenshot sa kaniyang social media.

MAKI-BALITA: Rob Gomez may simpleng pahayag sa isyu ng leaked convos

Habang si Bianca naman ay tila dedma sa mga intriga at gumala pa sa Japan.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Unbothered? Bianca Manalo, nag-eenjoy sa Japan

MAKI-BALITA:  Sen. Win Gatchalian, dinumog ng netizens dahil sa isyu ng jowa niyang si Bianca Manalo