Tila may ‘laman’ ang Facebook post ni Senador Imee Marcos dahil maging ang mga netizen ay mukhang relate rito.

“Kung napipili lang ang kamag-anak…,” ani Senador Marcos nitong Martes, Disyembre 19.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nag-iwan ng komento ang direktor na si Darryl Yap sa post ni Marcos, aniya, “ito ang walang #IMEEsolusyon HAHAHAHAHAHAAHAHAHHA!”

"Pwede naman. Sina Henry Sy kasi pinili ko lang maging kamag-anak," birong komento naman ng social media personality na si Senyora.

Bagama’t wala namang binanggit kung sinong kamag-anak ito, tila relate ang mga netizen base sa kanilang mga komento sa nasabing post.