Nag-alay ng madamdaming mensahe ang aktor na si Jake Cuenca sa namayapang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Sa Instagram account ni Jake nitong Martes, Disyembre 19, ibinahagi niya ang isang larawang kuha mula sa teleseryeng ”Los Bastardos” kung saan niya nakatrabaho ang batikang aktor.

Ayon kay Jake, hindi pa rin umano siya makapaniwala sa malungkot na balitang pumanaw na si Ronaldo. 

“I will never forget everything I have learned from you all our great memories together in "Ikaw lamang" and "los bastardos" but one thing I will always keep with me for the rest of my life is how you showed me that acting should always be fun,” saad ni Jake.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ikinuwento ni Jake na kahit gaano pa raw kahirap ang isang eksena ay nagagawa pa ring ngumiti ni Ronaldo. Hindi rin daw ito madamot sa pagbibigay ng papuri sa mga kapuwa artista kapag maganda ang ipinakita nito sa isang eksena.

“To one the greatest actors to have ever done it. You are the man Tito Ronaldo thank you for inspiring so many actors you've worked with thank you for touching so many lives including mine,” aniya.

Dagdag pa ni Jake: “You will be missed Ronaldo Valdez rest in peace Goodbye my old friend. 🙏”

Pumanaw ang beteranong aktor nitong Linggo, Disyembre 17, sa edad na 76.

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

Bukod sa “Los Bastardos”, nakasama rin ni Jake si Ronaldo sa teleseryeng “Ikaw Lamang” noong 2014.

MAKI-BALITA: Paggunita sa mga markadong pelikula, serye, at endorsement ni ‘Lolo Sir’