Nasa huling dalawang linggo na lamang ang kauna-unahang serye nina Bea Alonzo at Dennis Trillo na "Love Before Sunrise" na collaboration project ng GMA Network at Viu Philippines.

Kasama rin nila sa serye sina Andrea Torres at Sid Lucero.

Ito ang pangalawang serye ni Bea sa Kapuso Network simula nang mag-ober da bakod siya mula sa original mother network, ang ABS-CBN. Nagsimula ito noong Setyembre 2023, at kung magtatapos na ito ngayong Disyembre, naka-isang season naman ito.

Ang unang serye niya rito ay Philippine adaptation ng "Start-Up" na pinagbidahan nila ni Kapuso star Alden Richards, kasama pa sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Anyways, nakakaloka ang mga netizen sa X dahil nakatanggap ng okray ang pagdadalawang huling linggo ng serye kahit hindi pa ito nagtatagal.

Kapag hindi kasi tumagal ang isang serye o umabot ng lagpas sa isang season, sinasabing "mahina" ito sa TV ratings o kaya naman ay hindi pumatok, o hindi man lamang pinag-usapan sa social media.

Sey ng X user na @AltGMA, "From Movie Queen to Last 2 Weeks Queen….. Anong ginawa nyo kay Berta?😭😭😭"

https://twitter.com/KafosoMo/status/1736788132404564177

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Ilang weeks inabot nito? Buti hindi hanggang sunrise lang hehehe"

"Tinalo pa ni Analyn Santos na mas chaka ang aktingan at kwento 😩😩😩."

"sa laki ng kontrata nya sa gma grabe,yes magaling sya pero ang star cinema at abs tlg nagdala sa kanya tbh ..kaya nga may basha na ginawa pa nyang business."

"Yung natural and true love na madaming drama?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Bea sa mga negatibong X post tungkol sa pagtatapos ng kanilang serye.