Pinag-iingat ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa ang publiko laban sa mga tinaguriang ‘ma’ foods ngayong holiday season.
Aniya, kabilang dito ang matataba, maaalat at matatamis na pagkain, na karaniwang handa sa kaliwa’t kanang get-together at Christmas parties.
Maaari naman aniyang kumain ng mga naturang pagkain ngunit dapat na ‘in moderation’ lamang.
Babala pa niya, nananatili pa ring ang sakit sa puso ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy.
“What I worry about more is the lifestyle illnesses, so sabi ko bawal ‘yung mga ‘ma’ foods: bawal ‘yung mga mataba, maalat, at matamis. Masustansya rin ‘yung mga salad, fruits, and it’s also about moderation,” ayon kay Herbosa sa panayam sa telebisyon.
“Yes it’s bawal, pero hindi rin bawal ‘yung tumikim. Once malasahan mo na eh di okay na ‘yun, natikman mo na ‘yung food that was served,” paliwanag pa ng opisyal.