Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Disyembre 19, ang pag-reschedule ng December 2023 Dental Technologists Licensure Examination (DLE).

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng PRC na ililipat sa Marso 1, 2024 ang schedule para sa written examination ng DLE, habang Marso 2 hanggang 3 umano ang magiging schedule para sa practical phase nito.

Samantala, magbubukas umano ang aplikasyon para sa naturang licensure examination sa Enero 3, 2024 hanggang sa Pebrero 7, 2024.

Sa Marso 5, 2024 naman daw ang target na petsa ng paglabas ng mga resulta ng pagsusulit.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

“For queries and concerns, please email Licensure Office at [email protected] and the concerned PRC regional office which can be found in this link,” anang PRC.

“For updates on DTLE, you may check the PRC website at www.prc.gov.ph and follow PRC official social media accounts at https://www.facebook.com/professionalregulationcommission    and https://twitter.com/PRC_main,” dagdag pa nito.