Dalawang puslit na mamahaling sasakyang aabot sa ₱30 milyon ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Misamis Oriental kamakailan.

Sa ulat ng BOC, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng ipinupuslit ng dalawang luxury vehicles na Porsche sa Mindanao Container Terminal in Tagoloan, Misamis Oriental, nitong Disyembre 15.

Ang shipment ay nauna nang idineklara bilang used truck replacement parts, ayon sa BOC.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Dahil dito, nagkasa ng anti-smuggling operation ang BOC-Port of Cagayan de Oro at Intelligence Group (IG) na ikinasamsam ng dalawang sasakyan.

Sinabi pa ng Customs, dumating sa bansa ang dalawang mamahaling sasakyan mula Korea nitong Disyembre 12 kung saan naka-consign ito sa M. Aguila Car Trading.