Pasabog ang inihanda ng Quezon City government para sa QCitizens dahil nag-imbita sila ng ‘unkabogable’ guest sa kanilang New Year countdown sa Disyembre 31.

“QCitizens, salubungin natin ang bagong taon sa pinaka-bonggang paraan!” saad ni QC Mayor Joy Belmonte sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Disyembre 18.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dagdag pa niya, marami pa raw silang nakalinyang mga banda at guest performers sa naturang countdown.

“Handa na ba ang madlang people na malaman kung sino ang ating unkabogable guest? Maliban sa ating kabog na guest, marami ring mga banda & guest performers ang makikisaya sa atin! Abangan ang aming anunsyo.”

Sa comment section, tila nahulaan agad ng QCitizens kung sino ang unang pasilip na special guest. Anila, si ‘Unkabogable star’ Vice Ganda raw ito.

Gaganapin ang New Year countdown sa Quezon City Memorial Circle ganap na alas-kwatro ng hapon.

May be an image of fireworks and text that says 'PILIPINAS Abangan ang Pinaka UNKABOGABLE na P-E New Year Countdown December 31, 2023 4:00PM Quezon Memorial Circle www.quezoncity.gov.ph FOLLOW US f0�@QCGOV'