Ano nga ba ang isa sa mga katangian ni Popstar Royalty Sarah Geronimo bilang asawa?

Sa latest episode ng “Luis Listens” noong Sabado, Disyembre 16, ibinuking ng kaniyang asawang si Matteo Guidicelli ang tungkol dito.

Tinanong kasi siya ni TV host-actor Luis Manzano kung sino umano ang mas malambing sa kanilang dalawa ni Sarah.

“Sino sa inyo ni Sarah ang mas malambing?” usisa ni Luis.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Kasi nakikita ko si Matt,” dugtong ng TV host-actor, “ganyan si Matt. And si Sarah nakikita ko na malambing na tao. Pero feeling ko, mas malambing si Matt.” 

“Hindi, malambing si Sarah, bro,” pagtaliwas ni Matteo.

Paniniyak ni Luis: “Mas malambing siya? Mas ano siya, ma-hug?”

“Kung gusto niya,” sagot ni Matteo sabay tawa.

Pero on a serious note, malambing daw talaga si Sarah ayon kay Matteo.

“She’s a very, very affectionate person. She loves so a lot. Her love language is different, you know,” paliwanag ni Matteo.

Dahil dito ay talaga namang going strong ang kanilang relasyon. Matatandaang noong Setyembre ay ipinagdiwang nila ang 10 taon ng kanilang pagmamahalan.

MAKI-BALITA: Matteo, Sarah nagdiwang ng ’10 years of love’