Kinumpirma na ng singer at komedyanteng si Janno Gibbs ang pagpanaw ng kaniyang amang si Ronaldo Valdez.

Sa latest Instagram post ni Janno nitong Lunes, Disyembre 18, ay mababasa ang pahayag niya hinggil dito.

“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing. The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment,” saad ni Janno.

Dagdag pa niya: “Your prayers and condolences are much appreciated.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nagpaabot naman ng panalangin at pakikiramay ang kaniyang mga kapuwa celebrity gaya nina Jhong Hilario, Aiko Melendez, Mark Bautista, Vina Morales, Sam YG, at iba pa.

Pumanaw si Ronaldo nitong Linggo, Disyembre 17, sa edad na 76.

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

Matatandaan na bago tuluyang mamaalam ang beteranong aktor ay nakagawa pa sila ni Janno ng pelikula.

MAKI-BALITA: Janno Gibbs, Ronaldo Valdez nakagawa pa ng pelikula

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring opisyal na ulat tungkol sa dahilan ng pagpanaw ni Ronaldo.