Binalaan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko laban sa kumakalat na impormasyon kaugnay ng pekeng recruitment o pagtanggap ng mga aplikante ng ahensya.

"Ang Philippine Coast Guard (PCG) at Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) official Facebook page lang ang OTORISADONG FACEBOOK PAGE sa paglalabas ng mga PCG RECRUITMENT UPDATES," pahayag ng ahensya.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

"Huwag magpaloko sa mga fake news. Lalo na sa mga screenshots na kumakalat lang sa Facebook group chat," babala ng PCG.

Paglilinaw ng PCG, tapos na ang kanilang recruitment cycle ngayong 2023 kaya't pinag-iingat nito ang publiko laban sa kumakalat na maling impormasyon.