
(Baguio City Public Information Office/FB)
Lamig sa Baguio, pumalo sa 15.4 °C
Ramdam pa rin ang malamig na klima sa Baguio City matapos maitala ang 15.4°C (degrees celsius) nitong Linggo.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang bagsak na temperatura sa lungsod, dakong 4:50 ng madaling araw.
Naramdaman naman ang 18.8°C sa Basco, Batanes, dakong 5:00 ng madaling araw.
Sa Malaybalay, Bukidnon, bumagsak sa 19.2°C ang temperatura nito.
Binanggit ng ahensya, mas malamig pa rin ang klima sa Baguio nitong Pebrero 17, 2023 na pumalo sa 10.2°C.
Sa rekord ng PAGASA, naramdaman ang pinakamalamig na klima sa lungsod noong Enero 18, 1961 nang maitala ang 6.3 degrees celsius.