Sumalang ang aktor na si Derek Ramsay sa “Toni Talks” ni “Ultimate Multimedia Star” Toni Gonzaga nitong Linggo, Disyembre 17.

Nahagip sa kanilang usapan ang tungkol umano sa pagreretiro ni Derek sa showbiz industry.

“Alam mo ‘di ko alam na retire ka na sa showbiz. As in semi-retire or retire na talaga?” usisa ni Toni.

“Like, I will do a movie if it’s really, I’ll be really picky now with what I do. Like TV definitely ayaw ko na,” tugon ni Derek.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sundot ni Toni: “Dahil?”

“I can’t be away from my family,” pakli ni Derek.

Magkahalong pagkamangha at gulat naman ang naging reaksiyon ni Toni sa sagot na ito ni Derek. Tila hindi niya inasahan na magiging family man ang aktor.

“Wow, family man ka na talaga,” pahayag ni Toni.

“But I’ve said that since noong panahon natin, ‘pag nagpakasal ako goodbye na showbiz,” saad pa ni Derek.

Mula’t sapul ay iyon na raw talaga ang plano ni Derek bagama’t may persepsyon ang marami na siya ang tipo ng lalaki na mala-Leonardo DiCarpio na papasok lang sa relasyon pero hindi handang mag-settle down.

Sa kasalukuyan ay kasal na si Derek sa aktres na si Ellen Adarna. Sa katunayan, dalawang beses niyang iniharap sa altar ang kaniyang asawa.

MAKI-BALITA: Derek at Ellen, nagpakasal ulit sa Peru

MAKI-BALITA: Ellen Adarna at Derek Ramsay, kasal na!

Magkakaroon na sana sila ng anak pero sa kasamaang-palad ay nakunan si Ellen kamakailan. 

MAKI-BALITA: Ellen Adarna, nakunan sey ni Derek Ramsay