Tila hindi nagustuhan ni social media personality Xian Gaza ang naging pananalita ni TV host-actress Melai Cantiveros-Francisco.

Sa Facebook post ni Xian nitong Biyernes, Disyembre 15, mababasa ang kaniyang saloobin tungkol sa humor at pagiging joker.

“Ang humor at pagiging joker ay mayroong limitasyon at inilalagay sa lugar. Kapag kasi nasobrahan sa maling venue ay magmumukhang tanga tapos iisipin ng ibang lahi ang mga artistang Pinoy ay aanga-anga at walang ka-class class,” saad ni Xian.

Pero bago pa man ito, nauna na siyang magpahayag ng hindi pagkatuwa kay Melai.

Melai Cantiveros nanalong 'Best Actor' sa AAA

“Ako lang ata yung hindi natawa kay Melai. Tumatanda na talaga ako,” aniya.

Bago pa man masungkit ang “Best Actor” award, feeling “first honor” at “valedictorian” daw si Melai Cantiveros sa pagdalo sa Asia Artist Award 2023.

“Attending to AAA is a very honor. I feel like I am a first honor, a valedictorian in attending to AAA,” sey ni Melai nang intervhiewhin siya ng emcee na si Jang Won-young ng IVE.

Agad namang nag-trending ang video clip ng speech ni Melai dahil maraming netizens ang natuwa sa kaniyang mga sinabi.