Tila may makahulugang pahayag si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa kaniyang buhay may-asawa.

Sa isang episode ng Luis Listens noong Martes, Disyembre 12, sinabi ni Sharon na bagama’t lahat ng blessings sa buhay ay halos nasa kaniya na, may isang bagay umano siyang dinasal na ‘di ibinigay sa kaniya.

“Alam mo I’m very grateful for all my blessings. Your Mama [Vilma Santos] nga I sent her a birthday message and she answered me. Sabi niya, ‘you know, Shawie, you’re also so blessed and all’,” saad ni Sharon.

“And it’s true I’m very grateful for everything I’ve been blessed with. But you know what’s funny?... Isa lang ‘yung dinasal ko na lahat ibinigay sa akin pwera ‘yun. Kasi noong bata ako ang gusto ko lang, magkaasawa ako, magkakaanak tapos aalagaan ko lang asawa at mga anak ko. And then I got married the first time. Obviously, it failed,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag pa ng Megastar: “It’s still a struggle to keep the second marriage going... Magkaiba ang direksyon namin, e. He’s a politician. And you know I hate politics. Magkaiba kami but we manage to make it work. Well, number 1, because we love our kids. 

“And we’re both respectable people,” sabi pa niya, “mayroong parehong matinong tao, parehong mabait, parehong disente, na hindi nakikita ng tao ‘yung nangyayari inside the bedroom or inside their house ‘pag sila na lang... So, dalawang matinong tao na hindi lang magkasundo kailangang maghiwalay. Kasi isa lang ang buhay, e.”

“Mas masarap pag-usapan kasi kung may isang masama, isang maganda. Mas masarap ikuwento,” sundot naman ni Luis.

Bagama’t wala pang opisyal na pahayag na inilalabas si Sharon hinggil sa bagay na ito, may mga lumalabas na ulat na may cryptic post umano si Sharon sa kaniyang Instagram account kamakailan na ngayon ay burado na. 

"I'm loyal. I'll never leave you for someone else. I'll only leave you for myself. For my peace, my sanity, my respect, my dignity,” saad daw sa ibinahaging art card.

Ipinagpapalagay tuloy ng mga netizen na hiwalay na nga ang dalawa. Narito ang ilan sa mga kanilang mga komento mula sa isang video clip ng vlog ni Luis kasama ang nasabing cryptic post na kasalukuyang kumakalat sa TikTok:

“Hiwalay na pala sina Sen Kiko at Sharon 🥺🥺🥺”

“so hiwalay na sila ni kiko?mhrp dn kc ipilit ang isang bgy lalo sa marriage na mgstay pa kau sa iisang bhy pero alm nio/mo sa srli mo na ndi n kau ok”

“di ko nagets...ang labo..paki explain nga sakin..hiwlay na sila ni kiko???😳”

“tagal na kasi din nagtitiis yan si mega kay kiko!”

“kung napanood nyo lahat ng interview ni sharon through the years, malalaman nyong may decision talaga syang pinagsisihan. sabi nya nga “i have to live with the decisions i made”

“May kilala ako nag kwento na iba dw talaga ugali ni sir kiko or kung paano nya tntrato c maam shawie pati c kc 😭”

“Tama Yung hula sa kunya. Nag ask sya doon sa manghuhula about her and kiko tapos ung mang huhula nanahimik nalang 😭”

“parang mas nanghihinayang pa c ms.sharon sa 1st marriage ksa sa pangalawa”

“read between the lines May something 🥺”