Posibleng mauwi raw sa annulment ang kasal nina celebrity couple Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa latest episode ng Marites University kamakailan, sinabi ni “Marites Dean” Jun Nardo na mahaba pa umano ang tatakbuhing istorya ng hiwalayang Sarah at Richard lalo na ngayong na-involve na ang ina ng huli sa isyung ito.

Matatandaang kamakailan lang ay sunod-sunod na nagbigay ng pahayag si Annabelle Rama sa gitna ng umuugong na balitang hiwalay na umano ang anak niyang si Richard kay Sarah.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Tila may patutsada naman ang ama ni Sarah na si Abdel Lahbati sa mga pahayag na ito ni Annabelle.

MAKI-BALITA: Sey mo Annabelle? ‘Don’t mind dogs barking,’ kuda ng padir ni Sarah

“Pero pwede ring hindi ‘to mauwi sa hiwalayan,” sey ni “Marites PhD” Rose Garcia.

Dahil ayon kay Annabelle, hindi rin naman daw niya gusto na magkahiwalay sina Richard at Sarah.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’   

Segunda naman ni  “Ambetable Professor” Amber Nabus: “Although may naririnig na ako na may mga abogado na raw nag-uusap-usap, ha, na baka mauwi sa annulment. May ganoon na, ha, diumano.”

Anything can happen, sabi nga ni Rose. Pero sa ngayon, gaya ng saad ni Jun, hintay-hintay na lang muna sa mas malaki pang pasabog.