Hindi na mababasa sa kasalukuyan ang break up message ni Kapamilya star Daniel Padilla sa ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo.

Tinanggal na kasi ng aktor ang nasabing mensahe sa kaniyang Instagram account. Pero naroon pa rin ang larawan nila ni Kathryn. 

At ang tanging caption na lang ay “Ikaw at ako”.

Ito ay matapos ang kanilang muling “pagbabalikan” sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special 2023 sa Smart Araneta Coliseum.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

MAKI-BALITA: KathNiel ‘nagkabalikan’ sa ABS-CBN Christmas Special 2023

Matatandaan na noong Nobyembre 30 ay binasag na nina Kathryn at Daniel ang kanilang pananahimik kaugnay sa kumakalat na balitang hiwalay na sila.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Samantala, ang break up message naman ni Kathryn para kay Daniel ay kasalukuyan pa ring makikita sa Instagram account ng aktres.