Hindi umano hands-on bilang ina sa kaniyang mga anak ang aktres na si Sarah Lahbati ayon kay showbiz insider Jobert Sucaldito.

Sa isang episode kasi ng vlog ni Jobert kamakailan, ibinahagi niya ang kaniyang nalaman mula sa isang source niya na si Sarah daw ay “battered wife”.

“Ang sabi sa akin ng kausap ko, si Sarah daw ay battered wife. Unang nakarating sa akin sa isang malapit na kaibigan namin ni Tita Annabelle (Rama) ang sinabi is that nagagalit daw si Richard kay Sarah because si Sarah daw ay hindi hands-on mom,” saad ni Jobert. 

“Pinapaalaga sa mga yaya ang mga bata. But that doesn’t mean na ‘di niya mahal ang mga bata. Hindi lang talaga siya mahilig mag-alaga ng mga bata. Wala siyang ginawa kundi magpaganda,” aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag pa ng showbiz insider: “That’s why hindi rin nakaya ni Richard he had to live yata the house. Pumunta kay Tita Annabelle. At si Sarah naman went home to Bicol. Kasi dumating naman daw ang parents niya.”

Matatandaang kamakailan lang ay isiniwalat ni Annabelle na hindi na umano magkasama sa iisang bubong sina Richard at Sarah.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

Pero sa kabila nito, hindi naman umano gusto ni Annabelle na magkahiwalay ang dalawa.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’   

Nagsimulang umugong ang balitang hiwalay na sina Richard at Sarah nang mapansin ng mga netizen na hindi na nagsasama sa mga picture ang mag-asawa na dati’y madalas naman nilang ginagawa.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Kaugnay nito, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Richard o ni Sarah kaugnay sa tsika ni Jobert.