May maiinit na eksena pala ang nagbabalik-acting na si Derek Ramsay at ang social media personality-turned-actress na si Zeinab Harake, sa kanilang horror movie na "Kampon" na isa sa mga pelikulang lahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa paparating na Kapaskuhan.

Ang leading lady ni Derek dito ay si Kapuso star Beauty Gonzalez na kaibigan ng misis niyang si Ellen Adarna.

Sa ginanap na media conference para sa pelikula nitong Disyembre 11, aminado si Zeinab na kinabahan siya sa eksena nila ni Derek, lalo't unang beses niyang sumabak sa "tikiman" scene, at mapapanood pa ito sa big screen.

Unang beses din niyang makipaghigupan sa ibang lalaki lalo na sa trabaho kaya lalo siyang dinaga sa dibdib.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kaya malaki na lang daw ang pasasalamat ni Zeinab dahil hindi naman siya pinabayaan ni Derek, na "bihasa" na sa steamy scenes.

Hindi naman na bago kay Derek ang mga maiinit na eksena dahil ilang leading ladies na ba ang "naikama" niya sa eksena gaya na lamang nina Anne Curtis, Cristine Reyes, Jennylyn Mercado, Bea Alonzo, at iba pa.

Anyway, gentleman at marespeto naman daw si Derek kaya naitawid ni Zeinab ang kissing scene at tikiman scene nila, na mabilis lang nilang kinunan.

Sey daw kasi ni Derek, dapat one take lang para tapos na agad at hindi na sila magka-ilangan pa kung ipapahinto, pagkatapos ay papaulit na naman.

Pinuri naman ni Derek si Zeinab dahil kahit baguhan pa sa mga ganoong eksena, kapag nagte-take na ay nagshi-shift naman ang vlogger sa kaniyang karakter.

Si Zeinab ay karelasyon ng basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. na may sweet birthday message para sa kaniya.

"Happy birthday, Bel!," ani Ray Parks.

Bel ang tawag ni Ray Parks kay Zeinab.

"I want to commend you for the being the best mother to our kids, for being such a brave and strong leader, and also for your genuine heart."

"I am so proud of you and your growth. May we continue to build our future that is founded upon God’s word and love. May God grant you your heart’s desires. I pray for great health and God’s favor."

"I love you🖤," hirit pa niya.

Tugon naman ni Zeinab, "Mahal na mahal po kita!"

MAKI-BALITA: Jelai windang sa unan ni Zeinab; Ray Parks, nilayag ang jowa

Bongga!