"His (Teves) only recourse is to come back to the Philippines and revalidate his passport. ‘Yan po ang ginagawa natin para ma-pressure siya na maka-uwi," ani Clavano.
Huling naiulat na namataan umano si Teves sa Timor-Leste.
Kinumpirma rin ni Clavano na hindi pa tumutugon ang Timor-Leste sa kahilingan ng gobyerno na pabalikin sa bansa ang dating mambabatas.
Matatandaang pinatalsik ng Kamara si Teves bilang miyembro nito dahil umano sa pagiging pasaway at paglabag sa Code of Conduct.
Nag-file ng leave of absence si Teves at nagtungo sa ibang bansa bago pa ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4.
Hindi pa rin bumabalik sa bansa si Teves matapos mag-expire ang official leave nito nitong Marso 9.
PNA