Nagbigay ng mensahe si Unkabogable star Vice Ganda sa kaniyang “It’s Showtime” co-host na si Kim Chiu.

Sa segment na “EXpecially For You” ng nasabing noontime show nitong Martes, Disyembre 12, biniro ni Vice si Kim dahil sa suot nito.

“Anong oras ba JS n’yo? Ihahatid kita,” sabi ni Vice sabay akbay kay Kim.

Natawa naman si Kim sa sinabi ni Vice na sinegundahan naman ni Anne Curtis ng papuri.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Ang ganda-ganda kaya niya, o.” aniya.

“Oo, maganda talaga ‘to. Maganda ka, mabuti kang tao. Maganda ang mukha mo. Maganda ang puso. You deserve the best. You deserve love,” saad ni Vice saka yumakap kay Kim.

Muli na namang natawa si Kim sa sunod-sunod na sinabi ni Vice at hindi na nakapagsalita pa.

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang isyung umaaligid kay Kim at sa jowa nitong si Xian Lim lalo na nang burahin ng huli ang vlogs at videos nito sa YouTube channel maski iyong mga kasama si Kim.

MAKI-BALITA: Xian Lim, binura daw vlogs, videos na kasama si Kim Chiu

Matatandaan na lalong umugong ang balitang hiwalay na umano ang dalawa nang itanong ni Vice kung sino ang nagpapangiti kay Kim. 

MAKI-BALITA: Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda

Nagbigay naman ng pahayag si Kim tungkol dito nang minsan siyang tanungin ni TV Patrol resident showbiz forecaster Gretchen Fullido. 

MAKI-BALITA: Kim, muling nagsalita sa ‘hiwalayan issue’ nila ni Xian