Pinuna ni social media personality Rendon Labador ang maling payo umano ni Lolit Solis kay Paolo Contis.

Sa Facebook MyDay ni Rendon nitong Linggo, Disyembre 10, makikita ang screenshot ng komento ni Rendon sa artikulo ng isang online news platform tungkol kina Paolo at Lolit.

Hiniling kasi ni Lolit sa kaniyang Instagram account kamakailan na sana ay mahanap na ni Paolo ang forever nito na magiging matibay na sandalan umano ng aktor kapag “dumidilim ang paligid”.

Sey tuloy ni Rendon: “Mali po ‘yung advice, Nanay Lolit. Hindi na nga makasustento papahanapin mo na naman ng bago. Hanep!” saad ni Rendon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Mali-mali ang life coach ni Paolo Contis,” dagdag pa niya.

Photo courtesy: Rendon Labador (IG)

Matatandaang hindi ito ang unang beses na binanatan ni Rendon si Paolo tungkol sa pagsusustento. 

Noong maging host si Paolo sa “Eat Bulaga!” ay sinabihan siya ni Rendon na ang tigas umano niyang magbigay ng papremyo sa nasabing noontime show habang nagugutom ang kaniyang mga anak.

Pero ayon kay Paolo, bagama’t hindi umano siya maayos na nakakapagsustento, nag-iipon naman daw siya ng pera para siya ang mismong magbigay nito sa mga bata.

MAKI-BALITA: Paolo Contis, aminadong sumasablay sa sustento sa mga anak: ‘But I’m saving for them!’

Si Paolo ay parehong may mga anak sa kaniyang mga dating karelasyong sina Lian Paz at LJ Reyes.

MAKI-BALITA: Rendon Labador binanatan si Paolo Contis: ‘Sustento muna bago pa-premyo!’

Kasalukuyan naman niyang jowa ang aktres na si Yen Santos sa kabila ng isyung umaaligid sa kaniya tungkol kay Arra San Agustin.

MAKI-BALITA: Paolo Contis, nagsalita na tungkol sa kanila ni Arra