Naging emosyunal ang komedyanteng si Pokwang sa latest vlog ni showbiz columnist Ogie Diaz nitong Linggo, Disyembre 10.

Tinanong kasi ni Ogie si Pokwang kung saang aspeto niya raw sinasaluduhan ang kaibigang si Eugene Domingo o mas kilala bilang “Uge”.

“Bukod sa award-winning, mahusay na aktres, mabuting tao, mapagmahal na ninang, bukas ‘yong isip niya lagi. Alam mong nandyan ‘pag kailangan mo ng advice nandyan si Uge. Hindi man kami laging magkasama, hindi man kami laging magkausap pero alam kong bukas siya lagi,” pahayag ni Pokwang habang pinipigilang maiyak.

“‘Pag kailangan ko ng kausap, kailangan ko ng advice, alam kong nandyan siya. Hindi ako mabibigo. Makikinig at makikinig siya,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag pa ng komedyante: “‘Yon talaga kasi ang kailangan ko noong mga nakaraan. ‘Yong nakikinig. Para maibuhos ko lahat. At isa siya doon. Isa si Uge doon sa nakinig sa akin.”  

Sa katunayan, ayon kay Uge, ayaw pa raw ni Pokwang na ilabas ang bagaheng dala-dala nito kung hindi pa raw niya tinanong. 

“Nag-guest siya sa ‘All-Out Sundays’. Tapos iba ‘yong timpla niya. Hindi ‘yong normal kong kilalang Pokwang. Nandoon siya sa sulok. Kumakain siyang mag-isa,” kuwento ni Uge.

“Noong wala nang mga tao, sabi ko, ‘Sis, pwede bang magtanong? Wala na ba kayo?’ Ayun na, umiyak na siya nang hindi nagsasalita,” wika niya.

“Ang tagal niya kasing nilihim lang na siya lang nagdadala. So, noong may nagtanong nang hindi nanghuhusga, ‘yon. Bumigay na siya,” sabi pa ni Uge.  

At dahil dito, lalo umanong na-appreciate ni Pokwang si Uge.

Matatandaan kasing ipina-deport ni Pokwang ang American actor at dating partner niyang si Lee O’Brian noong Hunyo dahil umano sa naranasang abuso mula rito.

MAKI-BALITA: ‘Kaya bet ipa-deport!’ Pokwang ‘mentally abused’ na kay Lee O’Brian