Natuklasan ng archeologists na naghuhukay sa sinaunang Romanong lungsod ng Pompeii ang isang "prison bakery," kung saan pinanatili umanong nakakulong sa ilalim ng lupa ang mga alipin at mga hayop upang magtrabaho para sa tinapay.

Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng Archaeological Park of Pompeii na natagpuan nila ang naturang prison bakery sa ilalim ng isang bahay na kasalukuyang nasa ilalim ng paghuhukay.

"[It is] a cramped room with no view of the outside world and with small windows high in the wall, with iron bars, to let the light in,” paglalarawan ng Archaeological Park of Pompeii.

Natuklasan din umano ng archeologists ang "indentations" sa sahig na ginamit daw upang i-coordinate ang paggalaw ng mga hayop na pinilit na maglakad nang maraming oras habang nakapiring.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Bukod dito, tatlong kalansay ang natuklasan sa isang silid ng panaderya, na nagpapakita na ang bahay ay tinitirhan, ayon pa sa ulat ng AFP.

Sa isa namang scholarly article, ipinahayag ni Pompeii director Gabriel Zuchtreigel na maituturing ang naturang prison bakery na kanilang natagpuan bilang “most shocking side” ng ancient slavery.

"It is, in other words, a space in which we have to imagine the presence of people of servile status whose freedom of movement the owner felt the need to restrict," ani Zuchtreigel.

Maaari naman umanong masilayan ng publiko ang naturang mga nadiskubreng ebidensya ng pang-aalipin sa pamamagitan ng isang exhibition na "The Other Pompeii: Ordinary Lives in the Shadow of Vesuvius,” na magbubukas sa Disyembre 15, 2023 sa Palestra Grande.

Noon 79 AD, halos 2,000 taon na ang nakalilipas, nang mawasak umano ang Pompeii matapos sumabog ang kalapit na Mount Vesuvius.

“The ash and rock helped preserve many buildings almost in their original state, as well as forming eery shapes around the curled-up corpses of victims of the disaster, thought to number around 3,000,” ayon sa ulat ng AFP.

Ang Pompeii ang pangalawa sa pinakabinibisitang destinasyon ng mga turista sa Italy, pagkatapos ng Colosseum sa Rome.