Ibinahagi ni TV host-actress Maja Salvador ang pinapangarap niyang pamilya na mabuo.

Sa latest vlog kasi ni ABS-CBN news anchor Bernadette Sembrano-Aguinaldo nitong Sabado, Disyembre 9, naitanong niya kay Maja ang tungkol dito.

“‘Pag tinatanong ako ano ‘yung pinaka-dream ko, ang dream ko nga is, ‘yon nga, magkaroon kami ng family. Maging isa akong mabuting ina sana. Maging isang mabuting asawa. Kumbaga kung nagagampanan ko ‘yong ibang roles sa mga pelikula at teleserye, ito ‘yong role na walang magka-cut. Ito ‘yong reyalidad,” saad ni Maja.

“Magagawa ko ‘yon siyempre sa tulong din ni Rambo [Nuñez]. So, nandoon ako sa kahit anong mangyari alam kong may partner ako na mag-eencourage sa akin. ‘Yong ‘pag pagod na ako alam kong nandyan siya para iangat ‘yong sarili ko. Kasi doon siya magaling, e,” aniya.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Dagdag pa ng aktres: “‘Yon ‘yong pinakagusto ko sa kaniya. Na forever niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako mag-isa, kaming dalawa. Ever since naging kami.”

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo na ng mag-asawang Rambo at Maja ang pagkakaroon nila ng first baby.

MAKI-BALITA: Maja, Rambo, magkaka-baby na!