Matapos ang pambobomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas nitong Sabado, Disyembre 9, muling iginiit ni Senador JV Ejercito na dapat na umanong pauwiin sa China si Chinese ambassador Huang Xilian at opisyal na ideklarang persona non grata sa bansa.

“To the Chinese Ambassador who confronted Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff, Gen. Romeo Brawner Jr., saying, ‘Stop provoking us!’ it is imperative that he be repatriated to China and officially declared persona non grata,” pagbibigay-diin ni Ejercito sa isang pahayag nitong Linggo, Disyembre 10.

“His overt hostility and combative stance are counterproductive, especially when what we need is a diplomatic figure to alleviate tensions between the Philippines and China during this critical period,” dagdag pa niya.

Matatandaang nitong Sabado nang bombahin ng tubig ng CCG ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsagawa ng regular humanitarian at support mission sa mahigit 30 Filipino fishing vessels malapit sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

National

Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

Mariin namang kinondena ni Ejercito ang nangyari, at iginiit na hindi umano ito “isolated incident,” bagkus ay isa raw bahagi ng ilang buwan nang “pambu-bully” ng China sa Pilipinas.

“Ang mapanganib na paggamit ng Tsina ng pinaniniwalaang long-range acoustic device ay kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap dahil buhay ng mga Pilipino ang nakataya rito. Malinaw na intensyon ng Chinese vessels na magdulot ng pinsala at targetin ang kagamitang pang-komunikasyon at nabigasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels ng Pilipinas,” giit ng senador.

“Samantala, ang paglalagay ng inflatable boats ng pwersa ng Tsina sa ating karagatan para palayasin ang mga bangkang pandagat ng mga Pilipinong mangingisda na naghihintay lamang ng suplay ng pagkain ay maituturing na walang puso at hindi makataong paraan,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din ni Ejercito na wala umanong karapatan ang China na gawin ang naturang mga pag-atake sa katubigan kung saan may soberanya ang Pilipinas.

“These incidents not only violate international maritime protocols but also pose a direct and continuous threat to the safety, livelihoods, and well-being of Filipino fishermen,” aniya.

Samantala, nanawagan din si Ejercito sa pamahalaan na pabilisin na ang modernisasyon ng sandatahang lakas ng Pilipinas at palakasin ang depensa nito.

“We need to put up a naval force that can project a more respectable presence in the West Philippine Sea,” ani Ejercito.

“At the same time, it is imperative that the international community takes swift and decisive action to address and punish China for their repeated violations. We call for a unified stance in upholding the principles of maritime safety, freedom of navigation, and the peaceful resolution of disputes to ensure the security and stability of the region,” saad pa niya.

Matatandaang noon lamang Nobyembre 10, 2023 nang atakihin ng vessel ng CCG, maging ng Chinese Maritime Militia (CMM), ang supply boat ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

https://balita.net.ph/2023/11/10/china-coast-guard-muling-inatake-supply-boat-ng-pinas-sa-ayungin-ntf-wps/