Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • August 22, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

    Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

    By
    Rommel Tabbad
    December 09, 2023
    In
    BALITA National
    Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas
    (PCG File Photo)

    Pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa PH vessels, kinondena ng Pilipinas

    By Rommel Tabbad
    December 09, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Kinondena ng National Task Force West Philippine Sea (NTFWPS) ang pambobomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsagawa ng regular humanitarian at support mission sa mahigit 30 Filipino fishing vessels malapit sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) nitong Sabado.

    Kabilang sa mga naging biktima ng pag-atake ng CCG ang mga barko ng BFAR na Datu Sanday, Datu Bankaw, at Datu Tamblot.

    Sa report na natanggap ng NTFWPS, nasa 1.4 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc ang mga barko ng BFAR nang lapitan sila CCG kasabay ng pambobomba ng tubig upang hindi makalapit sa mga bangkang pangisda ng mga Pinoy na naghihintay ng oil subsidy at grocery packs.

    Bukod dito, tumulong din ang Chinese Maritime Militia vessels sa pagharang sa mga barko ng BFAR sa pamamagitan ng mapanganib na pagmamaniobra at pagpapakawala ng nakabibinging ingay mula sa Long-Range Acoustic Device (LRAD) nito.

    Kinondena rin ng task force ang pagpapakalaw ng Rigid Hull Inflatable Boats (RHIBs) ng CCG upang itaboy ang mga mangingisdang Pinoy na naghihintay na mabigyan ng fuel subsidies at food supplies mula sa BFAR vessels.

    "We stress that Bajo de Masinloc is a high-tide feature with territorial sea, per the 2016 Arbitral Award. It forms an integral part of the Philippine national territory under the Constitution. The Philippines exercises sovereignty and jurisdiction over the shoal and its territorial sea. The 2016 Arbitral Award has also clarified that Filipinos have traditional fishing rights in the water of Bajo de Masinloc protected by international law," pagdidiin ng task force.

    "China's illegal exercise of maritime law enforcement powers, interference with Philippine vessels, harassment and intimidation of Filipino fisherfolk, or any other activity that infringes upon the Philippines' sovereignty and jurisdiction in Bajo de Masinloc are violations of international law, particularly UNCLOS and the Arbitral Award. We firmly insist that these Chinese vessels leave Bajo de Masinloc immediately," dagdag pa ng NTFWPS.

    Inirerekomendang balita

    Lalaki, nagbihis-aso sa pagdalo niya sa hearing

    Lalaki, nagbihis-aso sa pagdalo niya sa hearing

    Hindi pangkaraniwang eksena ang sumalubong sa mga opisyal na dumalo sa isang public hearing matapos sumulpot ang isang lalaki na nakasuot ng maskara at kasuotang kahawig ng aso. Ginawa umano ito bilang bahagi ng protesta laban sa lumalaking bilang ng mga asong gala sa lungsod at sa umano’y iregularidad sa programa ng lokal na pamahalaan para sa pagkakapon o sterilization ng mga ito sa India....

    Presyo ng produktong petrolyo, mataas pa rin sa huling linggo ng Agosto!

    Presyo ng produktong petrolyo, mataas pa rin sa huling linggo ng Agosto!

    Tataas ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo, kasunod ng patuloy na tensiyon sa pagitan ng United States at Iran na nakaaapekto sa pandaigdigang supply at kalakalan ng langis. Batay sa industry estimates gamit ang galaw ng presyo sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at palitan ng piso kontra dolyar, maaaring madagdagan ng ₱1.75 hanggang ₱2.25 kada litro ang presyo ng diesel....

    ‘I am working very hard!’ Sen. Risa, nagpapalakas para mapiling kandidato sa 2028!

    ‘I am working very hard!’ Sen. Risa, nagpapalakas para mapiling kandidato sa 2028!

    Aminado si Sen. Risa Hontiveros na patuloy niyang tinatrabaho ang kaniyang balak na tumakbo bilang Presidente sa 2028. Sa press conference nitong Sabado, Agosto 22, iginiit niyang ginagawa niya ang lahat upang siya raw ang mapiling kandidato ng kanilang mga kaalyado. “I am preparing very hard, working very hard para maging yung pipiliin nung hanay namin as the strongest possible candidate sa...

    Features

    FEATURES

    1

    KILALANIN: Sino si Nagmalitong Yawa?

    August 22, 2026

    FEATURES

    2

    Pasahero, pinakisuyuan ng tsuper replayan chat sa kaniya

    August 22, 2026

    FEATURES

    3

    BALITrivia: ‘Pangbansa’ o ‘Pambansa?’ Kailan nagbabago ang /-ng/ bilang /m/ o /n/ sa isang salita

    August 22, 2026

    FEATURES

    4

    Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero

    August 22, 2026

    FEATURES

    5

    ALAMIN: Mga posibleng kaganapan kung sisipot ng impeachment trial si VP Sara

    August 22, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Paano malalabanan ang mga sakit na HIV, tuberculosis?

    August 22, 2026

    FEATURES

    7

    #BalitaExclusives: Sikreto at payo nina lola para magkaroon ng mahaba at masayang buhay!

    August 21, 2026

    FEATURES

    8

    Ninoy sa huling liham niya kay Cory: 'All the things I want to tell you may be capsulized in one line - I love you!'

    August 21, 2026

    Opinyon

    Sean Antonio #KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo? Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paalala ni Jesus: 'Huwag masyadong mag-alala' Nicole Therise Marcelo
    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita